Miyerkules, Pebrero 29, 2012

Chapter 1 - Bakit Hindi Sapat?


Unang pagkakataon ng magbabahagi ako ng sarili... Ako yung matatawag mong sociable.. madaling makuha ang loob ng ibang tao kahit sa unang bati palang ng hi o hello,, masasabi ko rin sa edad ko ngayon marami na akong taong nakasama, naka-trabaho, at nakasalumuha..  Masasabi ko rin na ang mga naging "barkada" ko e malawak mula sa edad na 14 hangang sa edad 60.

Hindi naman ako mapaghanap na tao, simple lang din naman ang gusto ko, ang maging masaya, sino bang ayaw non, hindi ba?  

Kung sex ang usapan, marami na rin naman akong naging partner, pero bakit wala akong maramdamang saya!

Kung trabaho, maganda naman ang trabaho ko, sapat ang kinikita para mairaos ang araw-araw na pangangailangan, pero bakit may lungkot pa rin.

Kung espiritual, personal kong kagustuhan na hindi ako kaanib sa isang partikular na sekta o relihiyon, pero maipagmamalaki ko na MATIBAY ang PERSONAL na RELASYON ko sa KANYA... pero bakit parang may kulang pa rin...

Kung PAMILYA, isa ako sa mga mapalad dahil hind hiwalay ang mga magulang ko, at kumpleto kaming magkakapatid, pero bakit may mga tanong  parin

Sadya nga ba talagang nilikha ang tao at bagay sa mundo na hindi sapat...?

to be continued... (kung sino man ang makakabasa, malugod na tatangapin ang iyong mga opinyon at mga tanong email: jevann091483@gmail.com